Dalawang magkaibigan,
habulan nang habulan.
Sagot: Paa
Heto, na ang magkakapatid,
nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Paa
Nagtago si Pedro,
nakalitaw ang ulo.
Sagot: (Pako sa sahig)
Balat berde, buto itim,
laman pula, turingan mo
kung sino siya.
Sagot: Pakwan
Hindi hayop, hindi tao,
may korona't may setro.
Sagot: Pagatpat
Walang pintong pinasukan,
nakapasok sa kalooban.
Sagot: Pag-Iisip
Narito na si katoto,
may dala-dalang kubo.
Sagot: Pagong
Narito na si kaka, sunong
sunong ang dampa.
Sagot: Pagong
May ulo'y walang buhok,
may tiyan walang pusod.
Sagot: Palaka
Di man isda, di naman itik,
nakahuhuni kung ibig,
maging sa kati maging sa tubig,
ang huni'y nakakabuwisit.
Sagot: Palaka
Di man isda, di naman itik,
nakahuhuni kung ibig.
Sagot: Palaka
Nang munti pa'y minamahal,
nang lumaki na'y pinugutan.
Sagot: Palay
Nang bata'y iginalang
nang tumanda'y tinadyakan.
Sagot: Palay
May ulo'y walang mukha,
may katawa'y walang sikmura.
Namamahay ng sadya.
Sagot: Palito Ng Posporo
Sariling-sarili mo na,
ginagamit pa ng iba.
Sagot: Pangalan
Pag-aari mo, dala-dala mo,
datapuwa't madalas gamitin
ng iba kaysa iyo.
Sagot: Pangalan
Sa araw nahimhimbing
at sa gabi ay gising.
Sagot: Paniki
Hindi naman bulag
di makakita sa liwanag.
Sagot: Paniki
Walang paa'y lumalakad,
ang bakas ay nangungusap.
Sagot: Panitik , Bolpen o Lapis
Kung ano ang iniisipni Beho,
siya namang isinusulat ni Tsikito.
Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis
Iguhit mo't nagbabalita ng
maraming talinghaga.
Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis
Lumalakad, lumuluha,
nag-iiwan ng balita.
Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis
Sandata ng mga matalino,
papel lamang ang hasaan.
Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis
Bahay ko sa Pandakan,
malapad ang harapan.
Sagot: Pantalan
Binatak ko ang isa,
pawis ang kasama.
Sagot: Panyo
Bahay ni Ka Gomez,
punung-puno ng perdigones.
Sagot: Papaya
Ang puno'y buku-buko,
ang sanga'y baril,
ang bunga'y bote,
ang laman ay diyamante.
Sagot: Papaya
Ang katawan ay bala,
ang bituka'y paminta.
Sagot: Papaya
Noong malinis ay hinahamak,
nang magkaguhit ay kinausap.
Sagot: Papel
Kung malayo ay babae,
kung malapit ay lalaki.
Sagot: Pare
Isang tingting na matigas,
nang ikiskis namumulaklak.
Sagot: Posporo
Isdang inasinan, nalusaw sa taguan;
pinakinabangan, ginawang sawsawan.
Sagot: Patis
Ang labas ay tabla-tabla
ang loob ay sala-sala.
Sagot: Patola
Bahay ng kapre,
iisa ang haligi.
Sagot: Payong
Hinila ko ang tadyang,
lumapad ang tiyan.
Sagot: Payong
Di makita ay kalapit,
kaya laging sinisilip
Sagot: Pilikmata
Aling bunga ang palibot ng mata?
Sagot: Pinya
Aling talbos ang bumunga
at aling bunga ang tumalbos.
Sagot: Pinya
Isang magandang senyora,
ligid na ligid ng espada.
Sagot: Pinya
Isang dalagang marikit,
nakaupo sa tinik.
Sagot: Pinya
Isang dalagang may korona,
kahit saan ay may mata.
Sagot: Pinya
Dahong pinagdahunan,
bungang pinagdahunan.
Sagot: Pinya
Isang maliit na impyerno,
nagpapalabas ng magandang istilo.
Sagot: Plantsa Sa Damit
Pinawalan ang bibig,
pinagkuskusan ang puwit.
Sagot: Plantsa Sa Damit
Tumutugtuog, umaawit, walang pagod
ang pagpihit.
Sagot: Ponograpo O Radyo
Isang tingting na matigas,
nang ikiskis namulaklak.
Sagot: Posporo
It is so nice ang ganda ganda ito ay totoong #Pinoy Riddles
ReplyDeletehahahaha
ReplyDeleteIto mahirap hinog nga sa tingin masaklap kung kainin
ReplyDeletechessa!!
DeleteHinila ko ang baging, sumigaw ang matsing? Pasagot nga po
ReplyDeleteKampana
Deleteano po yong sagot sa bugtong nah ito??
ReplyDeletenang umalis lumilipad,
nang dumating umuusad..
Eroplano
Deletethe bugtong and the examples are nice but can you make a test about that? (online test)
ReplyDelete:D
hi again its me make a katnig and patnig questions pls. LOL :D
ReplyDelete-unknown girl :D
tinanim ko ng tatlong buwan' dumami nahinog pero matigas
ReplyDeletePasagot nga?😂
Ano answer sa kumg may tiyaga may nilag
ReplyDeleteAnung bugtong po ito
ReplyDelete. "Puno'y kanyon, daho'y ispada, bungay bote.
Anung bugtong to ??
ReplyDeleteNagtatago kahit saan hinahanap man ng karamihan
Ano po sagot sa nagtatago kahit saan ngunit hinahanap ng karamhihan
ReplyDelete