Binili ko nang di kagustuhan,
Ginamit ko nang di nalalaman.
Sagot: KabaongMay binti walang hita,
May tuktok walang mukha.
Sagot: KabuteBugtong-bugtong,
Magkakarugtong.
Sagot: Kadena
Ang ina’y gumagapang pa,
Ang anak ay umuupo na.
Sagot: Kalabasa
Araw araw bagong buhay,
Taun-taon namamatay.
Sagot: KalendaryoBugtong kong sapin sapin,
Nakasabit, nakabitin,
Araw araw kung bilangin,
Isang taon kung tapusin.
Sagot: KalendaryoAko’y aklat ng panahon,
Binabago taun taon.
Sagot: Kalendaryo
Putukan nang putukan,
hindi nag kakarinigan.
Sagot: Kampana
Dalawang mag kaibigan,
lakad ay walang humpay,
wala naming patutunguhan.
Sagot: Kamay ng orasan
Akoy ma’y kasama sa pahingi ng awa;
ako’y di umiyak, siya ay lumuha.
Sagot: Kandila
Nang aking mapatay,
lalong humaba ang buhay.
Sagot: KandilaMay katawan walang mukha,
walng mata’y lumuluha.
Sagot: Kandila
May isang dalagang maganda’t marikit,
hindi lumalaki kundi lumiliit
Sagot: Kandila
Naririto si Pascualita,
hila-hila ang bituka
Sagot: Karayom at sinulid
Makina kong si Maheno,
nasa puwit ang preno
Sagot: Karayom at sinulidIsang senyora,
nakaupo sa tasa
Sagot: KasoyAnong halaman ang sagana sa ugat, dahon, at sanga,
ngunit wala sa bunga
Sagot: KawayanNang sanggol pa ay palalo, mataas na langit ang itinuturo;
nang lumaki at lumago, sa sariling puno ay yumuko
Sagot: KawayanPatung-patong na sisidlan,
may takip ay walang sisidlan
Sagot: KawayanNoong bata ay nag saya,
at naghubo nung dalaga
Sagot: KawayanMa-tag-init, ma-tag-ulan,
dala-dala’y balutan.
Sagot: KubaNaabot na ng kamay,
iginawa pa ng tulay.
Sagot: KubyertosLimang mag kakapatid,
tig-tig-isa ng silid.
Sagot: KukoMay hita ay walang binti,
may ngipin ay walang labi.
Sagot: Kudkuran
Maliit pa si kumara,
marunong ng humuni.
Sagot: KuligligBaka ko sa Maynila abot dito ang unga . Sagot: KulogMatulungin sa mga santo,
kuripot sa kapwa-tao.
Sagot: Kunwari’y madasalinKung nasa simbahan, ang dasal ay anong haba;
pagdating ng bahay,ginugulpi ang alila
Sagot: Kunwari’y madasalinAling paa ang nasa ulo? Sagot: KutoKadena’y isinabit,
sa batok nakakawit.
Sagot: Kuwintas
These are great riddles!!
ReplyDeleteit can be better if we can have pictures..
you can use some of the photos i have in http://www.flickr.com/photos/89034719@N07/
tduyruyrifgfjyeswj6eyreyuewdtyresggggg3wr2arrws
ReplyDeletemagadana kung nilagay ay mga pictures para maganda itignan.
ReplyDeleteoo nga mas better nakakalito
Deletebinili ko ng itim
ReplyDeleteginamit ko ng pula
tinapon ko ng puti
Uling
Deletebinaril ko , sinaksak ko pa isa syang tao na hindi parin namamatay
ReplyDeleteAnswer: Cardo dalisay
Naaabot na ng kamay
ReplyDeleteGumawa pa ng tunayyy
HAHAHAHAHA
ReplyDelete