Thursday, February 24, 2011

Mga Bugtong at Sagot - G

Isang hayop na maliit,
dumudumi ng sinulid.
Sagot: Gagamba
Mahahabing tagabukid nasa tiyan ang sinulid,
kung umaga’y umiidlip, kung gabi’y naghuhumapit.
Sagot: Gagamba
nagbabahay si maitim,
walang haliging itinanim.
Sagot: Gagamba
Nagsaing si Judas,
kinuha ang hugas,
itinapon ang bigas.
Sagot: Gata
Tubig ng pinagpala,
walang makakuha kundi munting bata.
Sagot: Gatas ng ina
Bahay ni San Vicente ,
punong-puno ng diamante.
Sagot: Granada (prutas)
Nagsaing si kurukutong,
bumubula’y walang gatong.
Sagot: Gugo
Kung nakahiga’y patagilid,
kung nakatayo’y patiwarik.
Sagot: Gulok o itak
Malaki kung bata,
maliit kung matanda dahil sa kahahasa.
Sagot: Gulok o itak
Aso kong si pula,
sumampa sa sanga,
nag pakita ng ganda.
Sagot: Gumamela
Heto na si kaka,
bibika-bikaka
Sagot: Gunting
Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang;
kapag sila’y nag papasyal, nahahawi ang daanan.
Sagot: Gunting
Dalawang magkaibigan, may talim ang tiyan;
matagal ng nagkakagatan di pa nagkakasakitan.
Sagot: Gunting

6 comments:

  1. Maraming maramng salamat po. Napakalaking tulong nitong blog ninyo. Marami po kayong natutulungan gaya namin n binibigyan ng mga maestra mula sa paaralan ng napakaraming bugtong pero walan namang sinasabing reference kung san kame puede kumuha ng mga sagot.

    salamat pong muli.
    a mother who sends her daughter to St. Scholastica's College, Manila

    ReplyDelete
  2. Hindi nasusunog sa apoy at hindi nalulunod sa tubig,ano ito

    ReplyDelete
  3. Bugtong, bugtong, hayan na si manong,
    gagalaw na parang ulupong.
    Biglang dadak'pin ang katawan mong
    sa higaan niya ipapagulong

    ReplyDelete
  4. Sa sangkalan nakatunganga, walang umaaway, walang nang aalipusta. Dahil sa usok, ako'y

    ReplyDelete
  5. May binti, walang hita, may tuktok, walng mukha.

    ReplyDelete