Walang bibig, walang pakpak,
Kahit hari’y kinakausap.
Sagot:Aklat
Walang paa, walang pakpak,
Naipamalita sa lahat.
Sagot:Aklat
Hindi halaman, maraming dahon,
Ang ibinubunga ay dunong.
Sagot:Aklat
Baston ng kapitan,
Hindi mahawakan.
Sagot: Ahas
Isang biyas ng kawayan,
Maraming lamang kayamanan.
Sagot: Alkansiya
Bahay ni kahuli,
Haligi’y bali-bali,
Ang bubong ay kawali.
Sagot: Alimango
Heto na si kuya,
May sunong sa baga.
Sagot: Alitaptap
Heto na si bayaw,
Dala-dala’y ilaw.
Sagot: Alitaptap
Heto , heto na,
Malayo pa’y humahalakhak na.
Sagot: Alon
Sa bukid nagsasaksakan,
Sa bahay nagbunutan.
Sagot: Amorseko
Kulubot ang balat,
Ang loob ay pilak,
Siit namimilipit,
Ginto’t pilak namumulaklak.
Sagot: Ampalaya
Pagkatapos na ang reyna’y
Makapagpagawa ng templo,
Siya na rin ang napreso.
Sagot: Anay
Ako’y may kaibigan,
Kasama ko kahit saan,
Mapatubig ay di nalulunod,
Mapaapoy ay di nasusunog.
Sagot: Anino
Mayroon akong matapat na alipin,
Sunod nang sunod sa akin.
Sagot: Anino
Manok kong pula,
Inutusan ko ng umaga,
Nang umuwi’y gabi na.
Sagot: Araw
Kung dumating ang bisita ko,
Dumarating din ang sa inyo.
Sagot: Araw
Tubig na nagiging bato,
Bato na nagiging tubig.
Sagot: Asin
Mataas ang paupo,
Kesa patayo.
Sagot: Aso
Hindi hayop, hindi tao,
Hindi natin kaano-ano,
Ate nating pareho.
Sagot: Atis