Kung saan masikip doon nagpipilit.
Sagot: Labong
Itulak at hilahin,
sigurado ang kain.
Sagot: Lagari
Butas na tinagpian ng
kapuwa butas.
Sagot: Lambat
Kung kailan tahimik
saka nambubuwisit
Sagot: Lamok
Maliit pa si Tsikito,
marunong nang manukso.
Sagot: Lamok
Naghain si Lolo,
unang dumulog ang tukso.
Sagot: Langaw
Baboy ko sa Marungko,
balahibo'y pako.
Sagot: Langka
Munting-munti lang na hayop
uliran sa pag-impok
Sagot: Langgam
Larawan ng kabagalan,
uliran ng kasipagan.
Sagot: Langgam
Maliit pa si kumpare,
nakaakyat na sa tore.
Sagot: Langgam
Aso kong si puti,
inutusan ko'y
hindi na umuwi.
Sagot: Laway
Mayroon akong gatang,
hindi ko matingnan.
Sagot: Leeg
Kastila kung natutulog
kapag gising ay tagalog.
Sagot: Langis o mantika
Malapit sa tingin,
hindi marating
Sagot: Langit at Bituin
No comments:
Post a Comment