Thursday, March 10, 2011

Mga Bugtong at Sagot - S

Hindi hayop hindi tao,
nagsusuot ng sumbrero.
Sagot: Sabitan Ng Sumbrero
Naligo si Adan,
hindi nabasa ang tiyan.
Sagot: Sahig
Hindi Linggo,
hindi piyesta,
naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
Bulaklak muna ang dapat gawin,
bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
Sapagkat lahat na ay nakahihipo;
walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago.
Sagot: Salapi (pera)
Bagama't nakatakip,
ay naisisilip.
Sagot: Salamin ng mata
Aling mabuting retrato
ang kuhang-kuha sa mukha mo?
Sagot: Salamin (mirror)
Buto't balat, lumilipad.
Sagot: Saranggola
Hindi naman hari, hindi naman pare,
nagsusuot ng sarisari.
Sagot: Sampayan
Sinampal ko muna
bago inalok.
Sagot: Sampalok
Ang ulo’y nalalaga
ang katawa’y pagala-gala.
Sagot: Sandok
May punong walang sanga,
may dahong walang bunga.
Sagot: Sandok
Kung tawagin nila’y “santo”
hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
Alipin ng hari,
hindi makalakad,
kung hindi itali.
Sagot: Sapatos
Walang sala ay ginapos
tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
Huminto nang pawalan,
lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
Baboy ko sa parang,
namumula sa tapang.
Sagot: Sili
Isda ko sa Maribeles,
nasa loob ang kaliskis.
Sagot: Sili
Munting tampipi
puno ng salapi.
Sagot: Sili
Isang lupa-lupaan sa
dulo ng kawayan.
Sagot: Sigarilyo
Hiyas akong mabilog,
sa daliri isinusuot:
Sagot: Singsing
Buklod na tinampukan,
saksi ng pag-iibigan.
Sagot: Singsing
Dikin ng hari,
palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
Ipinalilok ko at ipinalubid,
naghigpitan ang kapit.
Sagot: Sinturon
Nang munti pa at paruparo,
nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
Utusan kong walang paa’t bibig,
sa lihim ko’y siyang naghahatid,
pag-inutusa’y di n babalik.
Sagot: Sobre
Kaban ng aking liham,
may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
Walang paa, lumalakad,
walang bibig, nangungusap,
walang hindi hinaharap na
may dala-dalng sulat.
Sagot: Sobre
Alin sa mga santa ang
apat ang paa?
Sagot: Sta. Mesa
Bumili ako ng alipin,
mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
Isang tabo,
laman ay pako.
Sagot: Suha
Isang panyong parisukat,
kung buksa'y nakakausap.
Sagot: Sulat
Kahoy ko sa Marigundong,
sumasanga'y walang dahon.
Sagot: Sungay ng Usa
Usbong ng usbong,
hindi naman nagdadahon.
Sagot: Sungay ng Usa
Pitong bundok, pitong lubak,
tigpitong anak.
Sagot: Sungkahan
Aso ko sa muralyon,
lumukso ng pitong balon.
Sagot: Sungkahan
Isang bahay na bato,
ang takip ay biloa.
Sagot: Suso (snail)
Aling bagay sa mundo,
ang inilalakad ay ulo?
Sagot: Suso (snail)
Dalawang punsu-punsuhan,
ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina
May tubig b pingpala,
walang makakakuha kundi bata.
Sagot: Suso ng Ina

112 comments:

  1. ano po ang sagot sa bugtong na ito: walang bibig walang ngipin ngunit kumakain din.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. eto po:tignan mo malapit.lapitan mo malayo! ano po sagot??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Telescope po ang spelling hindi " teliscope " LOL 😜😜😜

      Delete
    2. Hayaan mo na yung spelling basta alam niya yung sagot

      Delete
  4. check this Website: ‘for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
    http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  5. ano po sagot dito:
    salbaheng langgam,likod ay igapang??

    ReplyDelete
  6. eto po ,, sagutin nyo..... mas tibay ang luma kay sa bago

    ReplyDelete
  7. Sagutin nyo po:mga bulaklak dito naglalambitin si tarzan ay dito nag papasalin-salin

    ReplyDelete
  8. Ito po sagutin nyo.... Dalawang tindahan saba'y binoksan...

    ReplyDelete
  9. Ano po sagot sa bugtong na ito?

    Bugtong bugging
    Pag sa umaga apat ang paa
    Pag sa tanghali dalawa ang paa,
    Pag sa gabi naging tatlo na...

    Ano ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. a baby, then a teenager/adult, then an old person. :)

      Delete
    2. a baby, then a teenager/adult, then an old person. :)

      Delete
  10. Ano po sagot sa bugtong na ito?

    Bugtong bugging
    Pag sa umaga apat ang paa
    Pag sa tanghali dalawa ang paa,
    Pag sa gabi naging tatlo na...

    Ano ito?

    ReplyDelete
  11. eto sagutin nyo....

    "Kinakalong Sinasakal Kinakamot pa ang Tiyan"

    ReplyDelete
  12. eto a isa ispada ni juan nakatusok sa buwan

    ReplyDelete
  13. anong sagot sa
    binihisan muna bago kainin?

    ReplyDelete
  14. Maliit pa lang si nene kulubot na ang pepe

    ReplyDelete
  15. Ano ang sagot sa bugtong na
    Noong bata pa, may lampin
    Ngunit pagtanda, hubo't hubad na

    ReplyDelete
  16. Ano ang sagot sa bugtong na
    Noong bata pa, may lampin
    Ngunit pagtanda, hubo't hubad na

    ReplyDelete
  17. Ano ang sagot sa bugtong na
    Noong bata pa, may lampin
    Ngunit pagtanda, hubo't hubad na

    ReplyDelete
  18. pls tulungan nyo ako...anong sagot sa bugtong n ito
    isang bayabas
    pito ang butas

    ReplyDelete
  19. pls tulungan nyo ako...anong sagot sa bugtong n ito
    isang bayabas
    pito ang butas

    ReplyDelete
  20. Eto sagutin nyu
    Bugtong Bugtong
    Hindi hayop hindi tao ngunit lumuluha

    ReplyDelete
  21. Paki palit naman po ito:
    Hindi hari, hindi pari, kung magdamit ay sari-sari
    Sagot: Paru-Paro

    ReplyDelete
  22. Paki palit naman po ito:
    Hindi hari, hindi pari, kung magdamit ay sari-sari
    Sagot: Paru-Paro

    ReplyDelete
  23. sagutin niyo to,"eto na si kaka,pabukabukaka".

    ReplyDelete
  24. Ano sagot dito mapula bilog at kinukurot.Katas at lalabas kapag pinindot

    ReplyDelete
  25. ano ako na hinihila ka pababa ngunit hindi kita magawang iangat?

    ReplyDelete
  26. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  27. Matigas nung ipinasok,
    Nung lumabas ay malambot.
    Ano po sagot wag po yung bad.. please i need the answer..

    ReplyDelete
  28. Ano po ito: pinakulaan ng tatlong oras maskit sa ilong at bumubula kulay puti may size

    ReplyDelete
  29. Pls sagutin nyo to: may bibig pero nabubuhay sa katahimikan. nglalaman ng kaligayahan. may dila ngunit madalang gamitin. May ngipin o wala, wa kang mag-alala dika kakagatin.

    ReplyDelete
  30. Anu po sagot sa bugtong na "May edad na ngunit ang puso ay bata pa"

    ReplyDelete
  31. ano po sagot sa tanong na ito?"hinahawakan ang katawan,sinusubo nad ulo"

    ReplyDelete
  32. Ito sagutin niyo:

    Isang linya ng baging, sari sari Sa kanyang nakalambitin.

    ReplyDelete
  33. ito po
    ayana ayana hindi pa makita

    ReplyDelete
  34. pakisagot po..
    "Lokong paru paru daladala ba naman isang buong paraiso sa kanyang totoong munndo"

    ReplyDelete
  35. Walang pakpak ngunit lumilipad, walang paa ngunit lumalakad.
    Ano sagut guys pakitulong nmn

    ReplyDelete
  36. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  37. Hindi p tinatalupan kita n ang laman

    ReplyDelete
  38. May sunog may kipkip may salakab sa puwit

    ReplyDelete
  39. Kung pabayaan at mabubuhay kung himasin at mamamatay

    ReplyDelete
  40. Nang maliit at amerikano ng lumaki negro

    ReplyDelete
  41. Nung maliit at paru paro ng lumaki ay latigo

    ReplyDelete
  42. Baboy ko sa maynila suson ang taba

    ReplyDelete
  43. Ano po ang bugtong na ang sagot ay pisara ?

    ReplyDelete
  44. Ano po ang sagot dito

    Di matingalang bundok
    Darak ang nakakamot

    Nang magkaginto ginto
    Soon na nga sumuko

    ReplyDelete
  45. Ano po sagot dito. Akin n akin na nga suot pa nh iba

    ReplyDelete
  46. ano pong sagot dito. Anung puso ang hiwalay sa katawan

    ReplyDelete
  47. Baboy ko sa manila suson suson ang taba
    Answer

    ReplyDelete
  48. eto po tatlong bulaklak na hindi nabubulok o nalalanta pero hindi plastik

    ReplyDelete
  49. Anong sagut po nito.? Ang ulo'y nababasa ang katawa'y pagala gala

    ReplyDelete
  50. Ano po sagot sa bugtong na ito walang kamay walang paa paa pero tumatayo

    ReplyDelete
  51. ano po ang sagot na ito Nanganak ang birhin, itinapon ang lampin

    ReplyDelete
  52. Bulaklak na hindi pinuputulan
    Nadadala na hindi hinahawakan
    Patulong na man po pls

    ReplyDelete
  53. binili ko ng puti ginamit ko pula tinapon ko itim

    ReplyDelete
  54. Baboy ko sa maynila, suson suson ang taba.

    (Ano po sagot sa bugtong nayan? Urgently needed po ang sagot pls. Thankyou!)

    ReplyDelete
  55. 1.Munting tampipi, punong-puno ng salapi.
    2. Bahay ng hari,libot ng tari
    3.isang dalawang marilag, nakaupo sa tinik

    4.kung tawagin ay santo, hindi naman milagroso
    5. Baby ko sa maynila, suson-suson ang tabs.


    (I genuinely need the answers po, I'll appreciate kahit isang answers lang po)

    ReplyDelete
  56. 2 bangka punong puno ng negro
    Ano po sagot

    ReplyDelete
  57. bugtong may mata pero hindi nakakakita may lumalabas pero walang bunganga

    ReplyDelete
  58. Ano po sagot nito?
    May mata,may bunganga pero Hindi nakapagsalita??

    ReplyDelete
  59. Pa help po
    Nakakatakbo ngunut hindi hindi makalakad, may bunganfa ngunit hindi hakapag salita, may higaan ngunit hindi maka tulog. Pa sagot po pls.

    ReplyDelete
  60. may ulo pero walang bunganga pero may matigas na dila, ano po ang sagot?

    ReplyDelete