Sunday, February 27, 2011

Mga Bugtong at Sagot - N at O

Tubig sa ining-ining,
di mahipan ng hangin.
Sagot: Niyog
Tubig sa angaw-angaw,
hindi madapuan ng langaw.
Sagot: Niyog
Langit sa itaas, langit sa ibaba,
tubig sa gitna.
Sagot: Niyog
Nagpupuno'y hindi sinisidlan,
nakukulanga'y di binabawasan.
Sagot: Niyog
Bahay ni Kaka,
hindi matingala.
Sagot: Noo
Walang hininga ay may buhay,
walang paa ay may kamay
mabilog na parang buwan,
ang mukha'y may bilang.
Sagot: Orasan O Relo
Hindi hayop hindi tao,
tanungan ng buong mundo.
Sagot: Orasan O Relo
Maliit at malaki,
iisa ang sinabi.
sagot: Orasan O Relo

3 comments: