Thursday, February 24, 2011

Mga Bugtong at Sagot - D

Mahabang-mahaba,
tinutungtungan ng madla.
Sagot: DaanNaligo ang senyora,
hindi nabasa ang saya.
Sagot: Dahon ng gabi
Nagtanim ako ng dayap,
sa gitna ng dagat,
marami ang nagsihanap,
iisa ang nagkapalad.
Sagot: DalagaLimang punong niyog,
iisa ang matayog. Sagot: Daliri
Limang Prinsipe sa balite,
sombrero ay tigkakalahati.
Sagot: DaliriMunting uling, bibitin-bitin,
masarap kanin, mahirap kunin.
Sagot: DuhatNang maliit ay kastila,
nang tumanda ay baluga.
Sagot: Duling
Isang taong disgrasyada,
kung tumingin ay dalawa.
Sagot: Duling
Takbo roon, takbo rito,
hindi makaalis sa tayong ito.
Sagot: Duyan


1 comment: