Thursday, March 10, 2011

Mga Bugtong

Ang bugtongpahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

Mga Bugtong at Sagot - U, W at Y

Dumating si Canuto,
nangabuhay ang mga tao.
Sagot: Umaga
Buhok ni Adan
di mabilang ng sinuman.
Sagot: Ulan
Isang bayabas,
pito ang butas.
Sagot: Ulo ng tao
Aling hayop sa mundo,
ang lumalakad ay walang buto?
Sagot: Uod
Kung araw ay patung-patong,
kung gabi'y dugtong-dugtong.
Sagot: Unan
Isang hukbong sundalo,
dikit-dikit ang mga ulo,
Sagot: Walis
Dumaing paa'y walang kamay,
may pamigkis sa baywang,
ang ulo'y parang tagayan,
alagad ng kalinisan.
Sagot: Walis
Kung tingna'y mainit,
hipui'y malamig,
umuusok ang paligidd.
Sagot: Yelo
Maging puti, maging pula,
sumusulat sa tuwina.
Sagot: Yeso
Hindi tao, hindi ibon,
bumabalik kung itapon.
Sagot: Yoyo

Mga Bugtong at Sagot - T

Mayroon akong dalawang balon,
hindi ko malingon.
Sagot: Tainga
Kasangkapang dala-dala
ngunit hindi makita.
Sagot: Tainga
Dalawang balong malalim,
hindi maabot ng tingin.
Sagot: Tainga
Lingunin mn ng lingunin
ay hindi abutin ng tingin.
Sagot: Tainga
Nang bata pa ay apat ang paa;
nang lumaki ay dalawa,
nang tumanda ay tatlo n,
Sagot: Tao
Nang tangan ko'y patay,
nang itapon ko'y nabuhay.
Sagot: Trumpo
Nang hawak ay patay,
nang ihagis ay nabuhay.
Sagot: Trumpo
Binalangkas ko nang binalangkas,
bago ko inihampas.
Sagot: Trumpo
Munting tumataginting,
kung saan nanggagaling.
Sagot: Telepono
Dugtong-dugtong,
magkakarugtong,
tanikalang umuugong.
Sagot: Tren
Kalamay ng hari,
hindi mahati-hati.
Sagot: Tubig
Kumot ng hari,
hindi mahati-hati.
Sagot: Tubig
Puno na naging tubig,
tunig na naging bato,
bato n kinain ng tao.
Sagot: Tubo
Ang ibabaw ay tawiran,
ang ilalim ay lusutan.
Sagot: Tulay
Kinain ko ang isa,
itinapon ko ang dalawa.
Sagot: Tulya
Ngayon lang nangyayari,
nakikita na ng marami,
kahit sila'y wala rine.
Sagot: TV

Mga Bugtong at Sagot - S

Hindi hayop hindi tao,
nagsusuot ng sumbrero.
Sagot: Sabitan Ng Sumbrero
Naligo si Adan,
hindi nabasa ang tiyan.
Sagot: Sahig
Hindi Linggo,
hindi piyesta,
naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
Bulaklak muna ang dapat gawin,
bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
Sapagkat lahat na ay nakahihipo;
walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago.
Sagot: Salapi (pera)
Bagama't nakatakip,
ay naisisilip.
Sagot: Salamin ng mata
Aling mabuting retrato
ang kuhang-kuha sa mukha mo?
Sagot: Salamin (mirror)
Buto't balat, lumilipad.
Sagot: Saranggola
Hindi naman hari, hindi naman pare,
nagsusuot ng sarisari.
Sagot: Sampayan
Sinampal ko muna
bago inalok.
Sagot: Sampalok
Ang ulo’y nalalaga
ang katawa’y pagala-gala.
Sagot: Sandok
May punong walang sanga,
may dahong walang bunga.
Sagot: Sandok
Kung tawagin nila’y “santo”
hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
Alipin ng hari,
hindi makalakad,
kung hindi itali.
Sagot: Sapatos
Walang sala ay ginapos
tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
Huminto nang pawalan,
lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
Baboy ko sa parang,
namumula sa tapang.
Sagot: Sili
Isda ko sa Maribeles,
nasa loob ang kaliskis.
Sagot: Sili
Munting tampipi
puno ng salapi.
Sagot: Sili
Isang lupa-lupaan sa
dulo ng kawayan.
Sagot: Sigarilyo
Hiyas akong mabilog,
sa daliri isinusuot:
Sagot: Singsing
Buklod na tinampukan,
saksi ng pag-iibigan.
Sagot: Singsing
Dikin ng hari,
palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
Ipinalilok ko at ipinalubid,
naghigpitan ang kapit.
Sagot: Sinturon
Nang munti pa at paruparo,
nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
Utusan kong walang paa’t bibig,
sa lihim ko’y siyang naghahatid,
pag-inutusa’y di n babalik.
Sagot: Sobre
Kaban ng aking liham,
may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
Walang paa, lumalakad,
walang bibig, nangungusap,
walang hindi hinaharap na
may dala-dalng sulat.
Sagot: Sobre
Alin sa mga santa ang
apat ang paa?
Sagot: Sta. Mesa
Bumili ako ng alipin,
mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
Isang tabo,
laman ay pako.
Sagot: Suha
Isang panyong parisukat,
kung buksa'y nakakausap.
Sagot: Sulat
Kahoy ko sa Marigundong,
sumasanga'y walang dahon.
Sagot: Sungay ng Usa
Usbong ng usbong,
hindi naman nagdadahon.
Sagot: Sungay ng Usa
Pitong bundok, pitong lubak,
tigpitong anak.
Sagot: Sungkahan
Aso ko sa muralyon,
lumukso ng pitong balon.
Sagot: Sungkahan
Isang bahay na bato,
ang takip ay biloa.
Sagot: Suso (snail)
Aling bagay sa mundo,
ang inilalakad ay ulo?
Sagot: Suso (snail)
Dalawang punsu-punsuhan,
ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina
May tubig b pingpala,
walang makakakuha kundi bata.
Sagot: Suso ng Ina