Saturday, February 26, 2011

Mga Bugtong at Sagot - M

Nahihiya, walang kinahihiyaan.
Sagot: Makahiya
May sunong, may kilik,
may salakab sa puwit.
Sagot: Mais
Isang pamalo-palo,
libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
Pusong bibitin-bitin,
mabangong parang hasmin,
masarap kanin.
Sagot: Mangga
Tag-ulan at tag-araw
hanggang tuhod ng salawal.
Sagot: Manok
Dalawang bolang sinulid,
abot hanggang langit.
Sagot: Mata
Dalawang batong maitim,
malayo ang nararating.
Sagot: Mata
Ang mukha'y parang tao,
magaling lumukso.
Sagot: Matsing
Hindi akin, hindi iyo,
ari ng lahat ng tao.
Sagot: Mundo
Nakakulubong ay walang ulo,
kinatatakutan ng gago.
Saot: Multo
Heto na si amain,
nagbibili ng hangin.
Sagot: Musikero

1 comment: